No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

World Bank, magbibigay ng technical assistance sa BARMM laban sa sakuna at kalamidad

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Naghahanda ang World Bank para sa pagbibigay ng technical assistance may kaugnayan sa paghahanda ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) laban sa sakuna at kalamidad.

Ito ay sa pamamagitan ng proyektong ‘PlanSmart Ready-to-Rebuild’ o R2R program na gagabay sa pamahalaan ng BARMM sa paghahanda at recovery sa tuwing mayroong natural calamities at iba pa.

Sinabi kamakailan ni World Bank BARMM coordinator Norhana Kamid na ang R2R program ay nabuo matapos tumama ang bagyong ‘Paeng’ sa rehiyon noong Oktubre.

Dagdag pa ni Kamid, ang R2R program ay magbibigay ng kaalaman kung paano maihahanda ang mga indibidwal, komunidad, at lokal na pamahalaan na mas mapaigting ang kanilang kahandaang tumugon at makabangon mula sa sakuna nang maayos at mabilis.

Ang nasabing programa ay isa ring joint program ng National Risk Reduction and Management Council (NRRMC), Department of Science and Technology (DOST), Office of the Civil Defense (OCD), Department of the Interior and Local Government (DILG), at World Bank (WB).

Saklaw din ng nasabing programa ang mga aktibidad bago at pagkatapos ng kalamidad tulad ng pangangalap ng baseline data, pagbuo ng recovery plan, financing, pag-aasikaso at pagpapatupad ng emergency procurement, pagbuo ng communications strategy, at pag develop ng monitoring at evaluation mechanisms. (With reports from Bangsamoro Government). 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch