"We're expecting na dadagsa ang mga tao, siguro dahil sabik sila, sabik din silang umakyat, sabik silang ma-experience 'yung aming weather at the same time, ma-experience 'yung mga bagong tanawin dito sa siyudad ng Baguio," si Magalong.
Aminado ang mayor na pinakamalaking suliranin ay ang trapiko ngunit pagtitiyak nito, ipatutupad nila ang ilang traffic schemes upang masiguro na maayos ang daloy ng trapiko at walang 'gridlock'.
Umaasa naman ito na maipatutupad na rin ang Smart Mobility Transportation System sa lungsod.
Pinayuhan ni Magalong ang mga aakyat ng lungsod na siguruhing lehitimo ang kanilang mga akomodasyon. Umapela rin ito ng patuloy na tumalima sa mga health protocols bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.
Sa temang "A Renaissance of Wonder and Beauty", isasagawa ang Grand Opening Day parade ng Panagbenga 2023 sa Pebrero 1. Gaganapin ang highlights ng festival na Grand Street Dance Parade sa Pebrero 25 at ang Grand Float Parade sa Pebrero 26. Kabilang din sa month-long celebration ang Philppine Military Academy Alumni Homecoming sa Pebrero 16-18, at ang Session Road in Bloom sa Pebrero 27 hanggang Marso 5. (DEG-PIA CAR)