No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mass Oath-taking ng 470 pulis na tumaas ang ranggo, idinaos

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon- Idinaos noong Enero 16 sa Quezon Convention Center sa lungsod na ito  ng Quezon Provincial Police Office (QPPO) ang Simultaneous Mass Oath-Taking, Donning, and Pinning of Ranks ng mahigit 470 kapulisan sa lalawigan matapos mai-angat ang kanilang ranggo dahil sa kanilang ipinakitang  husay at galing bilang mga alagad ng batas.

Pinaalalahanan ni PCol. Ledon D. Monte, Provincial Director ng Quezon PPO, ang mga promoted na pulis na may kaakibat na malaking responsibilidad ang pagtaas ng kanilang mga posisyon kung kaya’t inaasahan na patuloy nilang pagbubutihan ang mandatong iniatang sa kanila ng batas.

Siniguro rin ni PCol. Monte na mas gaganahan at magiging inspirado sa pagtatrabaho ang kapulisan lalo na’t ngayo’y marami sa kanila ang na-promote.

“Tuloy-tuloy ang  operasyon  ng Quezon PNP” upang labanan ang iligal na droga sa ating lalawigan, gayundin ang pakikipagtulungan natin  sa Land Transportation Office (LTO) at Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon tumaaas sa hangaring unti-unting bumaba ang bilang ng vehicular accident sa ating probinsya,” sabi pa ni Monte

Dumalo din sa okasyon si Gov. Helen Tan kung saan inihayag niya na gusto niyang makita ang lahat ng performance report  ng bawa’t municipal police officers sa lalawigan  upang malaman  anong best practices  ang maaaring gayahin  at ipatupad sa ibang municipal police station.

“Mahalagang component ng kaunlaran ay ang peace and order situation sa isang bayan  upang maging  payapa ang paninirahan  sa bawa’t lugar sa lalawigan,“ sabi pa ni Tan

Matatandaang nagkaroon ng kauna-unahang Quezon Road Safety Summit 2022 sa  lalawigan na pinangunahan ni Quezon Governor  Helen Tan kasama ang Quezon PPO, bilang tugon sa hangaring mabawasan at maiwasan ang aksidente sa kalsada, at kung magkaroon man, palaging mayroong handang rumesponde anumang oras. (RMO-PIA Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch