No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapalakas sa industriya ng agrikultura, prayoridad ng Paete LGU

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna (PIA) — Kilala ang bayan ng Paete, Laguna sa mayamang kasaysayan at kultura ng paguukit ng kahoy, kaya’t minsan na itong binansagan bilang Woodcarving Capital of the Philippines.

Bukod sa paguukit ng kahoy, isa ngayon sa mga tinitingnang industriya ng lokal na pamahalaan na maaaring palawakin sa bayan ay ang agrikultura.

Para kay Mayor Ronald Cosico, isa sa pangunahing bibigyang-pansin ng kanyang administrasyon ang pagpapaigting ng suporta sa mga magsasaka at mangingisda na nakabatay sa Executive Legislative Agenda ng bayan.

Nakipag-ugnayan kamakailan ang Paete LGU sa Department of Agriculture (DA) IV-A upang pag-aralan ang pagkakaroon ng experimental farm sa bayan kung saan maaaring magsagawa ng research para sa mga bagong paraan ng pagsasaka at paga-ani.

Base sa isinagawang obserbasyon, maaaring magamit ang mga lupaing sinasaka ng upland farmers sa kabundukang sakop ng Paete upang matiyak ang food security sa bayan.

“Nakakatuwa ang pagpupulong at marami[sic] pwede[sic] gawin sa ating bayan upang mapaunlad ito at maging food and vegetable hub ang ating masaganang kabundukan,” bahagi ng pahayag ni Cosico.

Nakikitang posibilidad rin ng bayan ang pagbubukas sa mga mamumuhunang interesado sa pagpapa-unlad ng wind energy sa pamamagitan ng pagpapalagay ng windmills sa kabundukan.

Kumpiyansa ang alkalde na maipagpapatuloy ang mga proyekto mula sa suporta ng kanyang mga kababayan at sa panalangin. (CH/PIA-Laguna)

About the Author

Christopher Hedreyda

Region 4A

Provincial Information Center Manager, PIA Laguna

Feedback / Comment

Get in touch