Tagalog translation:
Kahalagaan ng voters registration, binigyaan-diin ng COMELEC
KIBUNGAN, Benguet (PIA) -- Binigyang-diin ng Commission on Elections (COMELEC) ang kahalagahan ng pagrerehistro ng mga botante.
Ayon kay COMELEC - Kibungan Election Officer II Abelardo Lindawan, Jr., ang pagrerehistro ang magbibigay ng kakayahan sa mga botante na pumili kung sino ang pauupuin nilang lider na siya ring kakatawan sa mga mamamayan.
"Being a registered voter ket maysa nga power daytoy tapnu we can choose our leaders who will sit, who will represent us in the government, especially for the barangay seat, also with the municipal, provincial up to the congress," saad ni Lindawan.
Hinikayat naman nito ang mga hindi pa nakapagrehistro na magtungo lamang sa opisina ng COMELEC. Sa Kibungan, inihayag niya na bukas ang kanilang tanggapan sa Lunes hanggang Sabado, mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM maliban sa Enero 26 kung saan, muli silang magsasagawa ng offsite registration sa Tacadang.
"It is much better to register, to know, makialam tayo sa gobyerno kung ano ang nangyayari. Iyon din ang ating kapangyarihan and to help the government actually, especially our leaders, our punong barangays, our SK chairman dahil ang pagrereklamo natin, it is a reflection kung tama ba ang kanilang ginagawa, is the leadership good or is the leadership questionable," giit niya.
Ipinaliwanag naman nito na sa pagpapatupad ng national ID system, hindi na sila nagbibigay ng voter's ID kung saan, ang ibinibigay na lamang nila at voter certification na maaari ring gamitin bilang valid ID.
Ani Lindawan, hanggang sa Enero 31, 2023 na lamang ang rehistrasyon para sa Barangay .at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Oktobre ngayon taon.
Una nang inihayag ng COMELEC central office na hindi na palalawigin pa ang voter registration para sa nasabing halalan. (JDP/DEG-PIA CAR)