No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Lucena City COMELEC, hinimok ang publikong magpatala para makaboto

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA)-- Hinimok ni COMELEC Lucena City Election Officer Atty. Ana Mei Barbacena ang publiko na hindi pa nakakapag-parehistro upang  makaboto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong Oktubre 30, 2023.

Sa idinaos na “Kapihan sa PIA Quezon” sa lungsod ng Lucena noong Enero 18, sinabi ni Atty. Barbacena na nagsimula ang voters registration noong Disyembre 12, 2022 at matatapos sa Enero 31.

Ang  mga nais magpa-rehistro maaring magtungo sa Pacific Mall Lucena hanggang Enero 31 simula sa ika-8 ng umaga hanggang sa ika-5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado.

Samantala, sinabi rin ni Atty. Barbacena na mabagal ang pagdating ng mga nagpapa-rehistro nitong nakaraang araw, subali’t nakahanda naman ang COMELEC sa pagdagsa ng tao habang papalapit ang Enero 31, na huling araw ng pagpaparehistro.

Noong nakaraang taon, (2022), may 183 libong registered voters ang naitala ng Lucena City COMELEC Office at ito ay inaasahang madadagdagan pa bago idaos ang SK at barangay election sa Oktubre 30.

Maaari namang magpatala  o mag-transfer ang mga botante at kailangan lamang nilang dalahin sa oras ng pagpapatala ang valid ID  kagaya ng barangay ID at iba pa ayon sa Lucena City COMELEC Office. (RMO/PIA-Quezon)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch