Mula sa drop off point ay naglakad aniya sila ng 45 minuto patungo sa Proper. Mula sa Proper ay naglakad sila ng apat na oras paakyat ng Batangan, at mula sa Batangan ay naglakad sila ng isang oras patungo naman sa Les-eng.
Aniya, nagbunga naman ang kanilang pagod dahil nakapagparehistro sila na 82 residente roon kung saan, 40 na na-reactivate.
"Actually, adu ti in-reactivate tayo nga senior citizens, sumadsadot da kanu nga agbotos, we have convinced them nga if possible, agrehistro tayo latta ... it is our way to help the government (Actually, marami tayong ni-reactivate na senior citizens, tinatamad daw sila na bumoto (but) we have convinced them na kung maaari, magrehistro pa rin tayo ... it is our way to help the government)," ani Lindawan.
Pinasalamatan naman nito ang pamahalaang lokal ng Kibungan sa pangunguna ni Mayor Cesar Molitas at ang mga barangay official ng Tacadang sa matagumpay na pagsasagawa ng satellite registration.
Sa Enero 26 ay muli silang magsasagawa ng offsite registration sa Barangay Tacadang partikular sa sitio Dalipey. Ani Lindawan, itataon nila ang registration sa foundation day ng paaralan sa lugar kung saan puntirya nilang mairehistro ang mga hindi pa rehistradong residente ng sitio Lanipew, Culiang, at Dalipey.
Sa ngayon ay umaabot na sa 129 ang total applications na natanggap ng COMELEC Kibungan. Puntirya ng opisina na makapagparehistro ng 200 botante bago magtapos ang voter registration nitong Enero 31 para sa October 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections.(JDP/DEG-PIA CAR) (All photos: COMELEC - Kibungan)