No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kababaihan sa Brooke’s Pt., natutong gumawa ng vegetable noodles

Ang ilan sa partisipante ng skills training on food processing for women sa Brooke's Point Palawan kung saan ang mga ito ay natutong gumawa ng vegetable noodles at mga kakanin. (Larawan sa imula sa MIO-Brooke's Point)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Tatlumpung (30) mga kababaihan sa Bayan ng Brooke’s Point ang natutong gumawa ng vegetable noodles at mga kakanin matapos sumailalim ang mga ito sa skills training on food processing kamakailan.

Ang pagsasanay na ito ay inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Brooke’s Point sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program sa pangangasiwa ng Munisipal Social Welfare and Development Office at sa tulong na rin ng Department of Trade and Industry (DTI)-Palawan upang matulungan ang mga kababaihan na magkaroon ng karagdagang kita.

Pagkatapos ng pagsasanay ay pinagkalooban din ang mga partisipante ng starkit kits o mga kagamitan para maipagpatuloy nila ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay at magamit nila ang mga ito sa kanilang hanapbuhay.

Hinimok naman nina Mayor Cesareo Benedito, Jr. at Vice Mayor Atty. Maryjane D. Feliciano ang mga kababaihan na gamitin at pagyamanin ang kanilang natutunan sa nasabing pagsasanay.

Sinabihan din ng Alkalde ang MSWDO at Gender and Development Focal Person nito na ipagpatuloy ang ganitong mga programa upang makatulong sa mga kababaihan lalo na sa gitna ng kalamidad na naranasan ng mga ito. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch