No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Marikina LGU, may amnestiya para sa mga biz at real property taxes na hindi nababayaran

Mayor Marcelino "Marcy" Teodoro

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Bilang tulong sa mga maliliit na negosyante at namumuhunan, nilagdaan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang ordinansang nagpapalawig ngaplikasyon para sa business permit renewal ng walang surcharges at penalties.

Sa ilalim ng  Ordinansa Blg 001, Series of 2023 patatagalin pa ang deadline ng business permit renewal mula Enero 20, 2023 hanggang Marso 31, 2023.

“Ang extension na ito ay para hindi magmulta ang mga negosyanteng magpoproseso pa lamang ng kanilang renewal, para magkaroon sila ng mas mahabang panahon at hindi mamultahan hanggang Marso,”pahayag ni Teodoro.

Nilagdaan din ni Teodoro ang ordinansa para sa amnestiya sa Business Tax at Real Property Tax (RPT) o amilyar.

Ayon sa Punong Lungsod batid niya  ang hirap sa pinagdaanang krisis ng mga malilit na naghahanapbuhay at namumuhunan, maging ang mga pamilya at indibidwal, kaya naman minarapat nila na magbigay na magpatupad ng amnestiya sa mga hindi pa nababayarang multa sa buwis sa negosyo at at maging sa amilyar.

“Dapat sila bigyan ng pagkakataon na makapagbayad nang walang surcharge at interest, multa o penalty. ‘Yung principal amount na lang ang babayaran para makabawas sa bigat ng alalahanin nila, para makabangon ang lahat,” ani Teodoro. (pia-ncr)



About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

National Capital Region

Feedback / Comment

Get in touch