No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Paragua San Vic Surfing Competition, pormal nang sinimulan

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Pormal nang sinimulan nitong Enero 18, 2023 ang Paragua San Vic Surfing Competition kung saan dinarayo ito ng mga turista.

Ang aktibidad na ito ay sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng San Vicente at ng United Tourism Enterprise Association (UNITEA) na pinamumunuan ni Tonino Habana.

Ginaganap ito sa Bgy. Alimanguan na bahagi ng 14 kilometrong Long Beach sa San Vicente mula Enero 18 hanggang Enero 22.

Unang naisagawa ang Paragua San Vic Surfing Competition noong 2020 kung saan idineklara ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang Bayan ng San Vicente bilang Surfing Capital ng lalawigan.

Nasa 77 surfers ang kalahok ngayon taon na nagmula pa sa Siargao, Baler, Zambales, at La Union gayundin ang mga local surfer mula sa Palawan.

Ang ilang partisipante na lumahok sa Paragua San Vic Surfing Competition na ginaganap ngayon sa Bgy. Alimanguan na bahagi ng Long Beach sa Bayan ng San Vicente. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

Mayroon itong apat na kategorya kung saan ang mga magwawagi ay pagkakalooban ng sumusunod na premyo base sa kategoryang sinalihan ng mga ito: Men's Shortboard Open- P50,000.00; Men's Longboard Open- P40,000.00; Women's Longboard Open- P25,000.00; Junior's Longboard Open- P20,000.00.

Sa ginanap na press conference kaugnay ng nasabing aktibidad sinabi ni San Vicente Mayor Amy Roa, maliban sa surfing competition ay mayroon pang ibang aktibidad pangturismo ang magaganap sa kanilang bayan tulad ng Summer Festival at Baroto Festival bilang pagpapalakas ng industriya ng turismo dito.  (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch