No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

USAID Hearing Test Center, binuksan sa Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Isinagawa ng United States Agency for International Development (USAID) ang inagurasyon ng Hearing/Audiological Test Center sa Provincial Health Office sa lungsod na ito noong ika-13 ng Enero.

Pinangunahan ni USAID Mission Director Ryan Washburn kasama si Batangas Governor Hermilando Mandanas at mga kinatawan mula sa Resources for the Blind, Department of Education, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Health Office (PHO), Provincial Disability Affairs Office (PDAO), mga magulang at kabataang mayroon at walang sensorial disabilities.

Ang naturang Hearing/Audiological Test Center  ay bahagi ng P112M Gabay Project na ipinatutupad ng Resources for the Blind, isang non government orgnizationsnnns nsksdisenyo upng magkaroon ng access sa de-kalidad na edukasyon ang mga blind, deaf at deafblind na kabataan.

Ito ay mayroong set ng audiometer at hearing test devices at sa pamamagitan ng mga kagamitang ito ay maaaring magsagawa ng ebalwasyon o assessment upang alamin ang uri ng pagkawala ng pandinig  na maaaring mild, moderate, severe at profound. Sa pamamagitan nito maaaring mabigyan ng referral para sa medical at educational interventions ang mga batang nawalan ng pandinig.

Tampok sa naturang aktibidad ang symbolic turnover ng Filipino Sign Language (FSL) Stories na nakalagay sa USB at ipinagkaloob sa mga opisyal ng DepEd Division of Batangas. Ang mga FSL Stries na ito ay nasa video at print formats at binuo para sa kapakinabangan at gamit ng mga batang nawalan ng pandinig kasama ag kanilang mga magulang at guardian.

Ayon kay Washburn, ang pakikipag-ugnayan na ito sa pamahalaang panlalawigan ay dulot ng matagal ng koordinasyon at pagtutulungan sa pagitan ng USAID at lokal na pamahalaan sa Batangas.

Malugod namang tinanggap at ipinahayag ni Governor Mandanas ang kanyang pasasalamat sa USAID sa patuloy na pagbibigay ng mga makabuluhang proyekto sa lalawigan ng Batangas na malaki ang maitutulong sa mga mamamayang Batangueno.

Sa panayam kay Gng. Bernadette Ronquillo, isang ina na may anak na may kakulangan sa pandinig ay malaki ang maitutulong sa katulad nila dahil malapit na ito at hindi na nila kailangang lumuwas papuntang Maynila upang maipakonsulta ang kanyang anak kung mayroon progreso ang kanynag kondisyon. (MDC/PIA-Batangas)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch