LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Extended muli ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang renewal ng business permit.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang pagpapalawig ng deadline ng assessment at pagbabayad ng business tax para makapag-renew ng business permit ngayong taon.ay hanggang sa January 31, 2023 (Martes).
Ito ay alinsunod sa Pasig City Resolution No. 9-11, s. 2023. Sa ilalim ng nasabing resolusyon, hindi magkakaroon ng penalties at surcharges ang business owners na makakapagpa-assess at bayad ng business tax sa loob ng extension period.
Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga business owner na magpa-assess at magbayad na ng business tax bago pa o hanggang sa Martes dahil ito na ang huling extension ng business renewal period.
Ang hindi makakapagpa-renew sa itinakdang extension ay mapapatawan na ng penalty pagtungtong ng February 1.
Samantala, nilinaw naman ng pamahalaang lungsod na ang hindi pagkakaroon ng penalties at surcharges ay applicable lamang sa businesses na walang delinquencies. (Pasig City/PIA-NCR)