No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

GSIS: Mag-ingat sa online phishing

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nagpaalala ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga miyembro nito at mga pensionado na mag-ingat sa online phishing.

Payo ng GSIS, huwag ibibgay ang Account number, Card Verification Value (CVV), One-Time Password (OTPs).

Huwag pindutin ang mga kahina-hinalang links. Siguraduhin na huwag basta-bastang ibahagi ang iyong email address, mobile number, password, Personal Identification Number (PIN), OTP, at CVV.

Agad i-block ang sender at i-delete ang natanggap na text message o email.

Sakaling makatanggap man ng kahina-hinalang transaksyon, makipag-ugnayan sa mga sumusunod na official GSIS channels:

  • www.gsis.gov.ph
  • facebook.com/gsis.ph
  • gsiscares@gsis.gov.ph
  • (02) 8847-4747
  • 1-800-8847-4747 (Globe/TM)
  • 1-800-10-8474747 (Smart/TnT/Sun)

I-report din ang unauthorized transactions o phishing attempt sa GSIS contact center: https://www.gsis.gov.ph/contact-gsis/... (GSIS/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch