No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DepEd engineers susuriin ang halos 200 na paaralang napinsala ng lindol sa Masbate

LEGAZPI CITY, Albay (PIA) — Magdi-deploy ang Department of Education Bicol (DepEd) ng civil engineers na magsasagawa ng pagsusuri sa 195 na paaralan na nagtamo ng pinsala dulot ng magnitude 6.0 na lindol noong ika-16 ng Pebrero 2023 sa bayan ng Batuan sa Masbate.


Ang bilang ng apektadong paaralan ay ayon sa datos na nakalap ng DepEd Bicol nang nagsagawa ito ng "rapid assessment of damages report" sa nasasakupan ng School Division Office ng probinsya ng Masbate at ng siyudad ng Masbate noong Pebrero 17.


Ayon sa DepEd Bicol, layunin ng isasagawang inspeksyon na alamin ang structural integrity ng mga paaralan para masigurong ligtas itong gamitin.


Bukod sa engineers na itatalaga ng DepEd, may engineers na edi-deploy din ng lokal na pamahalalaan ng Masbate at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa gagawing pagsusuri.


Dagdag pa ni Sadsad, ang mga silid-aralan o gusali na nagkaroon ng pinsala ay hindi maaaring gamitin hangga’t hindi nasusuri at hindi aprubado ng municipal engineers, DPWH engineers o ng DepEd engineers.


Iniulat ng kagawaran na mayroong 57 na silid-aralan ang totally damaged, 194 ang may major damage na maaari pang maayos, at 692 naman ang may konting sira na maaaring maayos pa.

Samantala, tuloy naman ang face-to-face classes sa mga paaralan na walang naitalang pinsala alinsunod na rin sa utos ng lokal na pamahalaan ng Masbate. Ngunit, magkakaroon naman ng adjustments pagdating sa learning delivery tulad ng shifting of classes o modular distance learning para mapunan ang kakulangan ng mga classrooms lalo na sa mga apektadong paaralan.


Siniguro naman ni Sadsad na handa na ang modules para sa mga mag-aaral sa lahat ng grade levels kung sakaling magkaroon ng modular distance learning. (PIA5/Ralph Angelo Hizon, Bicol University)

Ipinakita ng DepEd Bicol ang ilan sa mga pinsala ng magnitude 6.0 na lindol sa mga gusali sa ilang paaralan sa islang lalawigan ng Masbate. (Ang larawan ay mula sa DepEd Bicol)

About the Author

Danica Caballero

Writer

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch