No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Importansiya ng defensive driving, ipinaalala ng MMDA

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Nagbigay paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista sa kahalagahan ng defensive driving.

Ayon sa ahensya, mahalaga ang defensive driving dahil hindi lang ito nakasentro sa galaw mo sa kalsada bilang motorista kundi maging sa posibleng ikilos ng iba mo pang kasama sa kalsada.

Safety first. Siguraduhing bagalan ang pagmamaheno sa basing daan at kung hindi maganda ang panahon. Siguraduhin ding pagaling nakasuot ang seatbelt.

Iwasan ding magmaneho kung stressed, inaantok o masama ang pakiramdam.

Mahalaga ring irespeto ang right of way ng lahat at alamin ang mga blind spots sa kalsada.

Tandaan, sa mga defensive driving techniques, nababawasan ang posibilidad ng mga problema at aberya sa daan sa pamamagitan ng pagiging proactive at pananatiling naka-focus sa daan. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch