No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA Urban Search and Rescue Team, nakabalik na sa bansa

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Balik-Pilipinas na ang Urban Search and Rescue (USAR) Team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumulong sa search and rescue operations sa Türkiye.

Ang MMDA-USAR Team, na pinangungunahan ni Abraham Buna, ay bahagi ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent na ipinadala ng pamahalaan sa nabanggit na bansa matapos yanigin ang magnitude 7.8 na lindol ang southeastern Türkiye at northwestern Syria noong Pebrero 6.

Ayon sa MMDA, malaki ang naitulong na equipment na dala ng USAR Team gaya ng victim locator (vibrascope), life locator machine at drone sa dalawang linggong misyon sa Türkiye.

Tumulong din sila sa paglalagay ng International Search and Rescue Advisory Group (INSARAG) markings sa mga gusaling napinsala ng malakas na lindol.

Kasamang dumating Martes ng gabi ang ibang miyembro ng 82-member Philippine contingent ang Office of Civil Defense, 525th Engineering Combat Batallion ng Philippine Army, 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force, Department of Health - Philippine Emergency Medical Assistance Team, at Subic Bay Metropolitan Authority. (mmda/pia-ncr)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch