No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kakayahan ng BFP NCR, ipinamalas sa NSED

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Aktibong nakilahok ang Bureau of Fire Protection -National Capita Region (BFP NCR) sa National Simultaneous Earthquake Drill 2023 kahapon, Marso 9, 2023.

Ganap na ika-2:00 ng hapon, tumunog ang alarma na nagbibigay hudyat na nagaganap ang malakas na pagyanig dulot ng lindol.

Nag ‘Duck-Cover-Hold' ang bawat bumbero na nasa loob ng gusali, at matapos iyo, lumabas ang mga ito sa gusali patungo sa ligtas na lugar.

Ipinakita ng mga bumbero ang iba't-ibang scenario na maaring mangyari sakaling magkalindol.

Isa dito ang pagsiklab ng sunog kung saan ipinamalas ang kaalertuhan ng mga bumbero sa pag-apula ng sunog bilang pangunahing mandato.

Natunghayan din ang kakayahan at kabihasaan ng mga bumbero pagdating sa serbisyong medikal bilang karagdagang mandato. Isinagawa ng Emergency Medical Services ang Triage at treatment para sa pagbibigay-lunas sa mga biktima.

Ipinamalas naman ng Special Rescue Force ang kahusayan sa High Angle Rescue at Hazardous Material Incident Rescue.

Sa iba't-ibang senaryo, ipinamalas ng kawanihan, na habang papalayo sa delikadong lugar ang mamamayan, handa namang harapin ng mga bumbero ang panganib matiyak lamang ang kaligtasan ng mamamayang pinaglilingkuran. (bfp-ncr/pia-ncr)


About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch