No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LGU Odiongan, papalitan ng libreng grocery ang mga plastic na basura

Ang programa ay inilunsad noong March 17 sa pangunguna ni Dr. Ramer M. Ramos, Mayor Trina Firmalo-Fabic, at chairman ng Komite sa Kapaligiran na si SB Jackiri Fernandez. (Larawan mula sa Odiongan Municipal Environment and Natural Resouces Office)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Naglunsad ang Pamahalaang Lokal ng Odiongan kamakailan ng programang magbibigay ng libreng grocery items sa mga residente kapalit ang mga plastic na mga basura nito.

Ang programang "Bayduhan it Plastic sa Banwa it Odiongan" na inilunsad noong March 17 ng Municipal Environment and Natural Resources Office ay nakapaloob sa isang ordinansa na ipinasa noong nakaraang taon.

Sa programang ito, ang 2.5kg na plastic ay maaaring ipagpalit para maging isang (1) kilo ng bigas o hindi kaya ay apat (4) na instant noodles. Maaari ring magpapalit ng kape, sabon, at iba pang grocery items.

Para rin mahikayat ang mga estudyante na magpapalit ng plastic, ang Municipal Environment and Natural Resources Office ay tumatanggap rin ng plastic kapalit ang school supplies kagaya ng coupon bonds, ballpen, papel, at lapis.

Ang mga dapat ipagpalit na plastic ay dapat tuyo at malinis, walang organikong bagay tulad ng mga dumi ng pagkain at iba pa at walang nakakagambalang mga bahagi tulad ng metal, salamin at iba pa. Wala rin umanong mga materiales na kagaya ng asbestos, lahat ng uri ng baterya, electronic assembles at iba mga scrap, paputok, cyanides, at mineral acids.

Kailangan lang dalhin ang mga plastic sa Barangay Hall o Covered Court mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga para ipagpalit.

Ang programa ay inilunsad noong Marso 17 sa pangunguna ni Dr. Ramer M. Ramos, Mayor Trina Firmalo-Fabic, at Chairman ng Komite sa Kapaligiran na si SB Jackiri Fernandez. (PJF/PIA MIMAROPA)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch