Tagalog translation:
Paraan ng pagovercome ng depresyon ibinahagi
BAGUIO CITY (PIA) -- Pinapayuhan ng isang Child and Adolescent Specialist ang mga nakararanas ng depresyon lalo na ang mga kabataan na humingi ng tulong habang maaga.
Ang depresyon ay ang pagdama ng lungkot, kawalan ng pag-asa, at pagiging magalitin o aburido na nagtatagal ng ilang linggo, buwan o mas matagal pa kung saan, naaapektuhan nito ang normal na pamumuhay.
Ayon kay Baguio General Hospital and Medical Center Department of Psychiatry Child and Adolescent Specialist Dr. Genna Hipolito, maaaring kausapin ang mga magulang o sinumang nakatatanda na maaaring pagsabihan ng nararamdaman.
"If you think you are depressed, ask for help as early as you can kasi 'pag naging severe na 'yan, you don't have already the capability to ask help," ani Hipolito.
Paliwanag nito, sa pagtanggap at pagbabahagi ng nararamdaman ay gagaan ang animo'y mabigat na pasanin.
Upang malagpasan ang depresyon, ipinapayo rin nito ang hindi pag-isolate sa sarili.. Samakatuwid, gugulin ang oras na kasama ang mga kaibigan at pamilya, gawin ang mga kinaaliwang aktibidad, at maaaring mag-volunteer sa ibang mga aktibidad.
Iginiit nito na kailangang maging mabuti rin sa sarili at panatilihin ang malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pag-iwas ng anumang nakasisira sa katawan, at matulong ng walong oras.
"Remember that depression is not your fault, this is a medical condition. Depression is real, it is treatable brain illness or health problem," si Hipolito.
Binigyang-diin nito na mahalagang pag-usapan ang pag-iwas o paglagpas sa depresyon dahil ito ang itinuturing na 'strongest risk factor' ng suicide lalo na sa mga kabataan.
Batay sa 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study, mula sa 300,000 na edad 15-24 sa Cordillera, 21.4% o katumbas nito ang isa sa apat na kabaatan ang nakaisip mag-suicide. Aabot naman sa 8.2% ang mga sumubok nito.
Dahil sa naturang datos, iginiit ng Cordillera Regional Population Executive Board ang pagpapalakas sa mga programa para sa mga kabataan upang maiiwas sila sa paggawa ng masama. (JDP/DEG-PIA CAR)