No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Publiko, hinikayat ng PVAO na makiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan

LUCENA CITY (PIA) — Hinimok ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng ika-81 Araw ng Kagitingan sa pamamagitan ng paglahok sa iba't ibang aktibidad na inihanda nito ngayong Abril.

Sa programang Mamamayan at Kultura with PIA sa Radyo Pilipinas Lucena noong Marso 31, ipinaliwanag ni PVAO Deputy Administrator Retired Brig. Gen. Restituto Aguilar ang mga inihandang aktibidad sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan na may tema ngayong taon na “Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino.”

Aniya, sisimulan ang pagdiriwang sa Abril 5 sa pamamagitan ng ‘sunrise at wreath laying ceremonies’ sa Fort Bonifacio sa Taguig City. Susundan ito ng ‘Review in Honors of the Veterans’ na gaganapin naman sa Philippine Army Headquarters.

Gaganapin naman sa Abril 10 ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Mount Samat National Shrine, Pilar, Bataan. Sa Abril 11 ay gaganapin ang ‘Joint Tribute to all Filipino Heroes’ at ‘Paggunita sa Capas’ na gagawin sa Capas National Shrine, Capas, Tarlac.

Gaganapin ang ‘Sunset Ceremony’ sa Fort Bonifacio kung saan ay mag-aalay ng 81 bulaklak at magsisindi ng 81 kandila  na alay sa mga bayani at di-kilalang bayani na nakipaglaban para sa  bansa noong panahon ng digmaan. (Ruel Orinday, PIA Quezon)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch