No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Albay PDRRMC-APSEMO nagbigay abiso sa publiko ngayong Holy Week

LEGAZPI CITY, (PIA5/Albay)---Nagpalabas ng Lenten guideline advisory si Albay Governor Atty. Grex Lagman sa pamamagitan ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) - Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa Local Government Units (LGUs), sa mga may-ari ng resorts o hotel at sa publiko ngayong Holy Week.


ABISO. Nagbigay ng paalala ang Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) - Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa publiko ukol sa semana santa na ipinalabas nitong ika-1 ng Abril 2023. (Photo courtesy of: PDRRMC-APSEMO)

Ayon kay Lagman, mula ika-3 hanggang ika-9 ng Abril, ang mga  City o Municipal DRRMCs at Barangay DRRMCs ay pinapayuhang magsagawa ng contingency plan, epektibong koordinasyon at 24 oras na operational readiness kaugnay ng weeklong religious activities.

Samantala, para naman sa operators ng public o private beaches, resorts, hotel at water recreation activities ay dapat siguruhin ang sapat na pagbibigay seguridad sa publiko tulad ng pagkakaroon ng lifeguards, first aid providers, at pag-monitor ng COVID 19 symptoms ng bisita.

Inabisuhan din ang publiko na alalahanin at isagawa ang mga safety measures sa kanilang paggunita ng semana santa at pagbabakasyon.

''Gawin ang mga kinakailangang pag-iingat tulad ng pag-iwas sa pagkalantad sa init lalo na ngayong taon na inaasahan ang pagtaas ng temperatura,'' saad ni Lagman.

Para sa emergency assistance, pinayuhan ang mga Albayano na tumawag sa numerong 0947570332.(PIA5/Albay)


About the Author

Cyryl Montales

Writer PIA/Albay

Region 5

Amor Fati

Feedback / Comment

Get in touch