No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mag-ingat sa credit card scam -BSP

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling nagbigay paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mag-ingat sa credit card scam.

Paalala ng BSP na i-check kung may mga palatandaan ng scam gaya ng mga sumusunod:

  1. Tatawagan ka ng nagpapanggap na representative ng credit card company at sasabihin na hindi na sila naglalabas ng card na may numero sa harap at likod.
  2. Tatanungin nila kung nagagamit mo pa ang credit card mo dahil ito ay naka-deactivate na.
  3. Sasabihin din nilang ipadadala lang nila ang bago mong credit card kapag ibinigay mo ang iyong kasalukuyang credit card details.

Payo rin ng BSP na huwag ibigay ang mga detalye ng iyong credit card tulad ng number, expiry date, at card verification value (CVV).

Tandaan, hindi tatawag, mag-tetext, o mag-eemail sa inyo ang bangko, credit card issuer, o financial institution para humingi o magpa-update ng iyong personal at bank account details.

Kung may tanong o reklamo tungkol sa iyong account, agad na makipag-ugnayan sa iyong credit card issuer o bangko. Kung nasangkot sa scam, maaari ring makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) o sa National Bureau of Investigation (NBI) para maimbestigahan at makasuhan ang mga scammer.

Kapag sa iyong palagay ay hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng credit card issuer o bangko ang iyong hinaing, ipagbigay-alam ito sa BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
  2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
  3. Kung Globe subscriber, mag-text sa 21582277 (May karampatang bayad sa text)

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM.

Kaya payo ng BSP sa publiko, protektahan ang sarili mula sa mga scam at iba pang uri ng panloloko. (BSP/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch