LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Ilang araw bago ang deadline ng SIM registration, nagbigay paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na iparehistro ang kanilang SIM card upang patuloy na ma-access ang mobile banking apps at e-wallets.
Ayon sa BSP, sa rehistradong cellphone number ipinapadala ng mga bangko at e-money issuer ang one-time password (OTP) at mga kaukulang advisory o alerto para sa mas ligtas na financial transactions.
Bisitahin ang mga sumusunod na website para mai-register ang inyong SIM:
- Smart, SUN Cellular, and TNT (Talk ‘n Text): https://simreg.smart.com.ph/
- Globe, TM, and GOMO: https://new.globe.com.ph/simreg
- DITO: https://dito.ph/sim-registration
Para sa concerns sa SIM registration, maaaring tumawag sa Department of Information and Communications Technology (DICT) Hotlilne 1326 o sa pamamagitan ng mga mobile numbers:
- SMART: 0947 714 7105
- Globe: 0966 976 5971
- DITO: 0991 481 4225
Maaari ring bisitahin ang official Facebook page ng DICT para sa updates https://www.facebook.com/DICTgovph.
Ang deadline ng SIM registration ay sa April 26, 2023. (BSP/PIA-NCR)