No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Parangal at pagkilala sa 18 Palaweñong beterano ng giyera, isinagawa

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Bahagi ng paggunita ng ika-78 taong anibersaryo ng kalayaan ng Palawan mula sa mga Hapones noong World War II (WWmII) ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa 18 Palaweñong beterano ng giyera.

Ang parangal at pagkilala ay isinagawa sa pangunguna ng Palawan Liberation Task Force (PLTF) na isinagawa sa Victoriano J. Rodriguez Hall, gusaling kapitolyo nitong Abril 21, 2023.

Ang mga ginawaran ng Posthumous award ay sina Private First Class (PFC) Concordio Aban, Private (Pvt) Baudillo Aban Sr., 1st Lt. Felipe Batul, 1stLt Felix Rafols Jr., Pvt Wenceslao Dacuan, Pvt Crispino Dacuan, Sgt. Manuel Parangue, Sgt. Victoriano Tejada, Pvt Alberto Dalonos Sr., PFC Indalecio Namuco, Pvt Buenaventura Mirano Sr., PFC Buenaventura Mampay, PVT Desiderio Medina, Pvt Nestor Gabinete Sr., Pvt Felipe Gabinete, Corporal Jacinto delos Reyes Sr., Pvt Ricardo delos Reyes, at 3Lt. Herminigildo Palayon.

Ang mga parangal ay tinanggap ng kanilang pamilya at mga kaanak kung saan sa pamamagitan nito ay nabigyang halaga ang gampanin at mga sakripisyo ng mga sundalong Palaweño na nagpakita ng kabayanihan noong WW II.

Ilan pa sa mga aktibidad ng Palawan Liberation na may temang "A Salute to Valor: Palawan Liberation, through the years and moving forward" ay ang Civil and Military Parade na dinaluhan ng PLTF, Armed Forces of the Philippines, PNP, BFP, mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, iba’t-ibang government offices, civic organizations, at private organizations.

Sinundan ito ng wreath-laying ceremonies na pinangunahan nina USec. Reynaldo B.

Isa sa mga naging aktibidad sa Palawan Liberation Celebration ay ang pag-aalay ng bulaklak sa Plaza Cuartel na isa sa mga WWII Historical Places sa Lungsod ng Puerto Princesa. (Mga larawan mula sa PIO-Palawan)

Mapagu ng Philippine Veterans Affairs Office, Gov. Victorino Dennis M. Socrates, US Embassy Joint U.S Military Assistance Group Lt/C James Kim, ilang opisyales ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa, Matthew Mendoza bilang kinatawan ng pamilya ni Palawan Hero Dr. Higinio Mendoza, at opisyales ng Western Command bilang paggunita sa kabayanihan ng mga Amerikanong sundalo at Palawan guerrillas na nagbuwis ng buhay noong WWII na ginanap naman sa Mendoza Park at Plaza Cuartel.

Inilunsad din ang kauna-unahang "historical bike tour" kung saan binisita ng mga bikers ang ilang World War II historical places tulad ng Plaza Cuartel, Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF), Puerto Princesa International Airport, World War II Museum, at Mendoza Park. (OCJ/PIA MIMAROPA)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch