No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kaso ng summer diseases sa Cordillera, tumaas

BAGUIO CITY (PIA) -- Tumaas ang kaso ng iba't ibang summer diseases sa Cordillera batay sa tala ng Department of Health - Cordillera (DOH-CAR).
 
Batay sa Philippine Integrated Disease Surveillance and Response ng DOH-CAR mula Enero 1 hanggang Abril 15, 2023, ang kaso ng Acute Bloody Diarrhea ay tumaas nang 121% o tumaas sa 387 cases mula sa 175 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Pinakamataas ang kaso sa Ifugao na nakapagtala ng 261 na sinundan ng Mountain Province na may 82 cases.

Nagkaroon din ng pagtaas sa kaso ng Hand Foot Mouth Disease. Naitala ang 663 cases ngayong taon mula sa 114 noong nakaraang taon o katumbas nito ang 481% increase. Ang Bengut ang may pinakamataas na kaso na 253 cases na sinundan ng Mountain Province na may 183 cases.
 
Tumaas din ang kaso ng Measles-Rubella nang 125% o tumaas sa 18 cases mula sa walong kaso noong nakaraang taon. Pinakamataas ang kaso sa Benguet (7) na sinundan ng Apayao (5) at Baguio City (5).

Ang Typhoid/Paratyphoid Fever ay tumaas naman nang 58% o mula sa 531 na kaso noong nakaraang taon ay tumaas ito sa 841 ngayong taon. Naitala sa Benguet ang highest cases na umabot sa 245 na sinunan ng Kalinga na may 227 cases.
 
Samantala, ang Influenza-like Illness ay tumaas nang 26% o tumaas sa 1,460 mula sa 1,150 cases noong nakaraang taon. Pinakamataas pa rin ang kaso sa Benguet (556) na sinundan ng Baguio City (493).
 
Ang kaso ng dengue ay bahagya ring tumaas nang 4% o 903 cases mula sa 865 na kaso noong nakaraang taon. Ang Benguet ang may pinakamataas na kaso na aabot sa 338. Dalawa ang naitalang nasawi sa rehiyon dahil sa dengue.
 
May naitala rin na apat na kaso ng Cholera kung saan, tatlo sa Baguio City at isa sa Benguet.

Ayon kay DOH-CAR Medical Officer IV Dr. Jennifer Joyce Pira, bukod sa mga nabanggit na sakit ay madalas ding magkaroon ng heat stroke at dehydration sa panahon ng tag-init.
 
"The heat stroke is usually due to the prolonged exposure to the heat or the sun. Bring umbrellas, use caps, use it while working under the sun," payo nito.
 
Binigyan-diin  niya ang pagsunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang mga sakit gaya ng conjunctivitis at flu-like infections na madalas makuha sa mga salo-salo.
 
Aniya, "If you think that you have low immune system, wear your mask. That is still the best barrier if you cannot really avoid going with your family sa mga crowded areas o sa mga bakasyunan." (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch