No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagbibigay ng pensiyon sa mga war veterans, mas pinadali ng PVAO

LUCENA CITY (PIA) — Mas pinadali pa ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang pagbibigay ng pensiyon sa mga beterano dahil maaari na itong ipadala sa pamamagitan ng ATM, cooperative bank, o money courier.

Ito ang inihayag ni PVAO Memorial and Historial Division Head Col. Agerico Amagna sa programang Kapihan sa PIA Quezon kamakailan kung saan ipinaliwanag nito ang mga pagbabago pagdating sa mga transaksiyon ng mga beterano sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Col. Amagna, sinisimulan na nilang magkaroon ng pagbabago sa kanilang tanggapan para makasabay sa napapanahong paggalaw sa modernong takbo ng pagbibigay serbisyo, alinsunod na rin sa digitalization na isinusulong ng pamahalaan.

Dagdag pa niya nakikita na din online ang mga transaksiyon ng mga benepisyaryo kung saan maaari nilang tingnan ang kanilang transaction history.

Mayroon din silang kiosk na nagagamit din pagdating sa pag-verify at pag-uupdate ng kanilang ng impormasyon para sa mga benepisyaryo nito.

Samantala, inabisuhan naman ni Amagna ang mga beterano na dapat mag-report ang mga ito sa bangko dalawang beses sa loob ng isang taon at isang beses kada taon sa pinakamalapit na PVAO office para hindi maputol ang kanilang pensiyon.

“Maari naman na via online mag-report ang beterano kung hindi na kayang maka lakad,” ayon pa kay Amagna.

Bukod sa pensyon ay mayroon ding makukuhang benepisyo ang beterano kung sakaling magkasakit bukod pa ang mga educational benefits.

Samantala, tanging ang mga World War II veterans na kasalukuyang nasa 1,200 na lamang ang kanilang bilang ang nakakakuha ng pensyon na P20,000 kada buwan habang ang ibang beterano ay regular na pensyon ang natatanggap. (Ruel Orinday-PIA Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch