No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pasig River Ferry, tuloy ang operasyon sa Labor Day

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Sa darating na May 1, Labor Day, patuloy ang operasyon ng Pasig River Ferry service.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tuloy ang operasyon ng ferry service sa May 1, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Para sa mga nais mamasyal ngayong long weekend, bisitahin ang 13 istasyon na matatagpuan sa:

  • Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa Pasig City
  • Guadalupe at Valenzuela sa Makati City
  • Hulo sa Mandaluyong City
  • Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, Lambingan, at Quinta sa Lungsod Maynila


Malapit rin sa mga istasyon ang ilan sa mga landmarks sa Metro Manila gaya ng National Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Makati, Earnshaw Linear Park mula sa Lambingan Station at Chinatown sa Maynila, at marami pang iba.

Para sa updates, bisitahin ang Facebook page ng MMDA Pasig River Ferry Service sa https://www.facebook.com/mmdaprfs/. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch