No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kumakalat na impormasyon ukol sa bagong number coding scheme, fake news ayon sa MMDA

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nagbigay paalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista ukol sa kumakalat na maling impormasyon na may bagong number coding scheme na paiiralin ang ahensya.

Ayon sa MMDA, wala itong katotohanan. Nananatili ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.

Paalala ng MMDA na kung may natatanggap na mensahe o post sa social media ukol sa number coding at nais itong iberipika, maaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa MMDA official page sa Facebook https://www.facebook.com/MMDAPH, Twitter, at Instagram.

Payo rin ng ahensya na pigilan ang pagkalat ng mga ganitong mensahe na dulot ay panic at kalituhan. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch