No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Trabaho para sa Pasigueño Job Fair, isasagawa sa Mayo 2

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita sa mga job seekers! Bilang pa-post Labor Day ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, magkakaroon ng First-time Jobseekers One-Stop Shop at Trabaho para sa Pasigueño Job Fair.

Ang job fair ay gaganapin sa darating na May 2, 2023 (Martes), mula 9:00 ng umaga hanngang 4:00 ng hapon sa Tanghalang Pasigueño.

Para sa first-time jobseekers na nais makapag-avail ng libreng serbisyo (hal: police clearance at NBI clearance) o makapagparehistro sa BIR, PAGIBIG, PhilHEALTH, SSS, dalhin ang mga sumusunod:

  • Barangay Certification na nagsasaad na ikaw ay: first-time jobseerker at residente ng nasabing barangay, kabilang ang bilang ng buwan o taon ng paninirahan sa barangay (kailangan ay higit anim na buwan nang residente ng nasabing barangay)
  • Valid ID
  • Sariling ballpen

Samantala, para naman sa job fair, maghanda na ng maraming kopya ng iyong updated na resumé/curriculum vitae at sariling ballpen.

Aabot sa 30 kumpanya ang inaasahang lalahok sa naturang job fair. 

Payo rin pamahalaang lungsod na magdala ng inuming tubig, payong at pamaypay dahil sa inaasahang init ng panahon.

Ang job fair ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Public Employment Service Office, sa pakikipagtulungan sa iba't ibang sangay ng nasyunal na pamahalaan, at partner employers. (PASIG CITY/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch