No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagsusuot ng face mask sa mga crowded places, ipinapayo

BAGUIO CITY (PIA) -- Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) at mga kinauukulang opisyal ng pagsunod sa minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar upang makaiwas sa COVID-19.

Si DOH Undersecretary Enrique Tayag sa MR OPV SIA launching sa Baguio City nitong May 2, 2023. (PIA-CAR)

Ayon kay DOH Undersecretary Enrique Tayag, bagama't hindi mandatory ay mainam pa ring magsuot ng face mask kapag nakasakay sa public transportation at kapag nasa lugar na hindi maganda ang ventilation.
 
"Kailangang pa rin nating mag-ingat lalo na kung kayo ay may iba pang karamdaman o kaya kayo ay senior citizen na," paalala ni Tayag.
 
Sa Baguio City, inihayag ni Mayor Benjamin Magalong na naglabas ito ng advisory na humihikayat ng pagsusuot ng face mask ng mga residente at bisita sa mga crowded places. Aniya, inanunsyo rin niya ang paggamit ng fist o elbow bumps sa halip na handshakes.

Sa DOH media forum nitong Martes, inilahad ni OIC Maria Rosario Singh - Vergeire na inirekomenda ng kagawaran kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na dapat ibalik ang mga restrictions gaya ng pagsusuot ng face mask.
 
Ang face mask ay gagamitin na lamang ng mga at risk na mga kababayan at gagamitin sa mga high-risk situations, aniya.
 
Kabilang aniya sa mga at risk ang mga senior citizens, ang mga may comorbidity, mga buntis, at mga hindi pa bakunado.
 
Patuloy naman ang isinasagawang pagbabakuna ng pamahalaan kasabay ng paghikayat nila sa mga hindi pa natuturukan ng bakuna laban sa COVID-19 na magpabakuna na para sa kanilang kaligtasan. (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch