No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Proyektong HAPAG sa Barangay, inilunsad sa San Jose, Occ Mdo

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) -- Inilunsad kamakailan sa Barangay Central, San Jose ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay, isang programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglalayong makamit ang kasapatan sa pagkain sa mga pamayanan.

Sinabi ni DILG Provincial Director Juanito Olave na hinihikayat ng HAPAG ang lahat na magtanim sa kanilang bakuran upang matiyak na may makukuhang pagkain ang bawat pamilyang Pilipino. 

Ayon sa kanya, kung may tanim na gulay at prutas sa bakuran, available ang masustansyang pagkain sa mga mamamayan kahit kulang sa kakayahang-pinansyal.

Nilinaw ni Olave na katuwang ng DILG ang Department of Agriculture sa HAPAG at ang kanilang Kagawaran ang nagtutulak sa mga opisyal ng barangay upang epektibong ipatupad ang HAPAG sa kani-kanilang lugar kabilang na ang pagtatayo ng community garden.


“Inaasahan din natin na magpapasa ng mga ordinansa ang ating mga barangay official na titiyak sa tagumpay ng HAPAG,” sabi ni Olave.

Samantala, upang higit na makuha ang suporta ng publiko para sa programa, ipinanukala ni Governor Ed Gadiano ang pagdaraos ng paligsahan kaugnay ng HAPAG. 

Ayon sa Gobernador, aayusin ng kanyang tanggapan ang mechanics kung paano tatakbo ang iminungkahing contest at makakatulong ng lalawigan ang mga munisipyo  sa pagsasakatuparan nito, kabilang na ang pagtukoy ng mga premyo para sa mga mananalo. (VND/PIA MIMAROPA)

Pinangunahan ni DILG Usec Marlo Iringan ang paglulunsad ng Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay, na isinagawa sa Brgy Central, San Jose. Ang mga larawan ay kuha ng PIO Occidental Mindoro.

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch