No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tatlong mga kooperatiba sa North Cotabato, sumailalim sa skills training ng BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Tatlong mga kooperatiba mula sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa North Cotabato ang sumailalim kamakailan sa tatlong araw na skills training program ng Ministry of Science and Technology (MOST).

Ayon sa MOST, ang mga lumahok sa pagsasanay ay nabigyan ng kaalaman patungkol sa food safety, good manufacturing practices, packaging at labeling, at halal awareness.

Sinabi ni Monawara Abdulbadie, chief science research specialist ng MOST, layon ng aktibidad na mas mapahusay pa ang kakayahan ng mga kooperatiba pagdating sa pagpapatakbo ng kani-kanilang mga negosyo.

Aniya, makatutulong din ang pagsasanay upang matiyak na ang mga produktong ibinebenta ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ay sumusunod sa mga pamantayan na itinakda ng Food and Drug Administration (FDA).

Kabilang sa tatlong mga kooperatiba na lumahok sa aktibidad ay ang Pikit 2 Catalyst Association (P2CA), Kapalawan Women’s Association (KWA), at Integrated Bangsamoro Agricultural and Development Association (IBADA). (With reports from MOST-BARMM) 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch