No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Collection efficiency ng ALECO, tumaas

LEGAZPI CITY (PIA5/Albay) — Ibinahagi ng Albay Electric Cooperative Inc. (ALECO) na naging positibo ang resulta ng kanilang operasyon ukol sa collection efficiency sa ilalim ng kanilang pamamahala sa loob ng apat na buwan.

Ayon kay ALECO Acting General Manager Engr. Wilfredo O. Bucsit sa kanilang ikalawang buwan, tumaas ng 10% ang kanilang collection efficiency.

‘’Noong unang buwan mababa pa ang collection efficiency nasa 78% pa lamang ito, pero sa ikalawang buwan naging 88% na ito,’’ pahayag ni Bucsit sa isinagawang press con nitong Biyernes, Mayo 26.

PAGTUGON | Inimbitahan ng Albay Electric Cooperative Inc. (ALECO) ang ilang media personnels sa isinagawang press conference nitong Biyernes, Mayo 26 upang sagutin ang mga issues and concerns ng mga Albayano ukol sa daloy ng kuryente sa lalawigan. (PIA5/Albay)

Aniya, pumalo rin ito sa 118% nitong Marso ngayong taon.

‘’Nitong Abril, bumaba tayo at ito ay naging 99% pero kumbaga mataas na din yan,’’ saad ni Bucsit.

Nagbayad pero walang nabawas

Ipinaliwanag ni ALECO Area Services Department Manager Hermie Alilano ang nararanasang hindi pagbawas ng binayarang arrears ng mga konsyumer.

‘’Simula nung December pinasok natin yung bagong system ng ALECO walang nangyaring parallel transition galing sa dati (Albay Power Energy Corporation) papunta sa bago (ALECO),’’ saad ni Alilano.

Aniya, naging limitasyon ito ng kanilang serbisyo kung saan nagkakaroon ng glitches sa kanilang system. Kaya naman hindi timely ang pagproseso ng ibinayad ng konsyumer at lumalabas ang arrears na dapat ay bayad na.

‘’Nangyayari lang yan dahil sa timing difference ng pagpasok ng payment doon sa system, baka nag reading na pero yung payment niyo ay hindi pa natatransmit,’’ saad ni Alilano.

Siniguro naman ni Alilano na bibigyan nila ng aksyon ang nasabing suliranin.

‘’Bibigyan ko ng assurance ang ganyan, dahil kapag tinignan natin iyan sa system ay pasok na iyan (ang nabayad na halaga),’’ saad ni Alilano.

‘’Kailangan din natin siguro na unawain ang system natin ngayon dahil marami pang enhancement para maka serve ng maayos talaga or magkaroon tayo ng sanitized data para sa future transactions madali na lang ang sitwasyon,’’ pakiusap ni Alilano sa publiko. (PIA5/Albay)

About the Author

Cyryl Montales

Writer PIA/Albay

Region 5

Amor Fati

Feedback / Comment

Get in touch