No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI, may consumer tips para sa mga online buyers

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- May hinihintay na online sale? Bago mag add to cart at mag place ng order, may ilang mga tips ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamimili.

Paalala ng DTI na bumili lamang sa mga verified sellers.

Basahin ang mga reviews at iwasan ang mga shops na may masasama, fake o walang reviews.

Kung maaari, siguraduhin ding may actual picture ng item. Manghingi ng picture ng item o parcel bago ito i-ship out.

Kung nais namang bumili ngunit hindi sigurado sa kredibilidad ng shop, piliin ang ‘Cash-on-Delivery’ payment mode kung maaari.

Mahalaga ring basahin ang return, cancellation at refund policy ng shop/platform bago bumili.

Iwasan magbigay ng mahahalagang impormasyon s amga sellers gaya ng mobile baking personal identification number (MPIN), reference numbers at log-in credentials.

Tiyakin din na magbayad lamang gamit ang mga accredited ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) EMIs (e-money issues) o payment platforms.

Payo rin na agad na makipag-ugnayan sa awtoridad para sa mga fraudulent cases o mga kaso ng panloloko.

Para sa iba pang consumer tips, bisitahin ang www.dti.gov.ph/konsyumer/consumer-education. (DTI/PIA-NCR)


About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch