No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kaso ng dengue sa Baguio, patuloy na mino-monitor

(Source: Baguio CHSO)

BAGUIO CITY (PIA) -- Patuloy na nakabantay ang City Health Services Office (CHSO) sa kaso ng dengue sa lungsod gamit ang resulta ng pag-aaral nila katuwang ang University of the Philippines.
 
Ayon kay Dr. Donnabel Panes ng CHSO, lumabas sa analysis mula 2010 hanggang 2021 na may cycle ang dengue kung saan, malalaman kung kailan tumataas ang kaso ng dengue.
 
Aniya, sa tatong 2010, 2013, at 2016 naitala ang mataas na kaso ng dengue sa lungsod.

Sa pamamagitan aniya ng time series study na ito ay alam na nila ang dapat ipatupad na prevention and control measures.
 
Mula sa nasabing pag-aaral ay nagkaroon sila ng listahan ng clustered barangays o mga barangay na posibleng magkaroon ng dengue transmission gamit ang mathematical modeling.

Nasa Cluster 1 ang barangays Asin, Bakakeng Central, Bakakeng Norte, Fairview, Kias, Loakan Proper, Pinget at San Luis Village. Ang mga barangay na ito ang prayoridad para sa mga aktibidad laban sa dengue. Kabilang naman sa Cluster 2 ang Camp 7 at Irisan.
 
"Same barangays would be reporting high cases because these barangays also have the highest population. Kapag mataas ang populasyon sa isang lugar, mas mataas ang mosquito to human contact and that would translate to transmission of dengue," ani Panes.

(Source: Baguio CHSO)

Ngayong taon ay nakapagtala ang lungsod ng 306 na kaso ng dengue. Bagama't mababa pa ito sa alert threshold, sinabi ni Panes na hindi maiiwasang magkaroon ng karagdagang kaso lalo na at nararanasan ang pag-ulan sa lungsod.
 
Isa ang reported active documented death dahil sa dengue. Ito ay 37-anyos na lalaki mula sa Pinsao Pilot Project.
 
Naitala naman ang clustering of cases o nakapagtala ng tatlong kaso ng dengue sa loob ng apat na buwan ang barangays Irisan, Quezon Hill Proper at Kias, Padre Burgos, Pinget, Bakakeng Central, Fairview Village, Trancoville, San Vicente, Camp 7, at Asin Road.
 
Samantala, sa isinumite nilang blood samples sa Research Institute for Tropical Medicine ay tatlo mula sa apat na dengue strains ang naitala sa lungsod kabilang na rito ang Dengue 1, Dengue 2, and Dengue 4. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch