Ani Pablo, napag-usapan na rin sa Regional Development Council "kung paano magsingil para sa mga resources na ginagamit ng mga kalapit na rehiyon."
"Kung hindi natin i-maintain 'yung watershed natin dito, siyempre, maaapektuhan 'yung baba. If we will not clean our rivers, definitely, madumi 'yung bababa," giit ni Pablo.
Aniya, nais nila na madagdagan ang national allotment para sa pangangalaga sa mga watershed sa Cordillera na "triple sa pondo sa low-lying areas para magampanan ang mga dapat gampanan".
Binanggit naman nito na isinusulong din ng kalihim ng DENR ang natural resources accounting upang ma-account lahat ng resources at magkaroon ng costing na magiging basehan ng kokolektahin mula sa mga serbisyo na ibinibigay sa kalapit na mga komunidad.
Kabilang sa mga major rivers sa Cordillera na dumadaloy papunta sa ibang bahagi ng Hilagang Luzon ang Abra River, Silag River, Amburayan River, Naguilian River, Aringay River, Bued River, Cabicungan River, Zumigui-Ziwanan, Apayao-Abulog, Chico River, Siffu-Mallig River, Magat River, at Agno River. (DEG/PIA CAR)