No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

On-the-Spot Poster Making Contest, tampok sa MOO celebration ng DENR NCR

LUNSOD QUEZON, (PIA) -- Nagsagawa ng kauna-unahang On-The-Spot Poster Making Contest ang regional office ng Department of Environment & Natural Resources sa National Capital Region (DENR-NCR) para sa pagdiriwang nito ng Month of the Ocean (MOO) noong Mayo 30, 2023 na ginanap sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park.

Ang tagisan sa pagguhit na ayon sa temang “Sustainably Feed the Global Population” ay nilahukan ng mga Junior High School Students na masusing pinili ng bawat Schools Division Office (SDO) ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila. Kabilang sa mga lumahok ay ang SDO Marikina, Navotas, Valenzuela, Pasay, Makati, Taguig, Muntinlupa, Pateros, Parañaque at Las Piñas.

Pinangunahan ni Senator Cynthia A. Villar, bilang panauhing pandangal, kasama si DENR-NCR Regional Excutive Director Jacqueline A. Caancan ang pag gawad ng parangal sa mga nagwagi sa paligsahan.

Itinanghal na Grand Winner ang Sto Nino National High School ng SDO Parañaque dahil sa mataas na puntos na nakuha nito sa mga pamantayang ginamit ng mga hurado sa pagpili ng mga nagwagi.

Kasama sa mga pamantayan ang relevance to the theme 30%, creativity and originality 25%, use of colors and visual elements 25%, overall impact 10%, at write-up 10%.

Samantala, nakuha naman ng Pateros National High School ng SDO Pateros ang 2nd Runner Up, habang 3rd Runner Up naman ang Signal Village National High School ng SDO Taguig. Nagkaroon din ng pagkilala sa bawat SDO na lumahok at nakatanggap ng consolation prizes.

Ang mga ginawaran ay masusung isinuri ang mga likha ng mga hurado na sina world renowned Filipino artist A.G. Saño at art teacher Teodulo Diega.

Ang mga obrang nalikha ng mga estudyante ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagsasaayos at paglilinis ng Manila Bay upang sa murang edad pa lamang ay lubos na nilang maunawaan ang importansiya at koneksyon ng karagatan sa buhay ng mga tao bilang isa sa pangunahing pinanggagalingan ng pagkain at iba pang pwedeng pagkunan.

Ang MOO ay isang mahalagang pandaigdigang selebrasyon na ang layunin ay ipaalam sa publiko ang importansiya ng likas na yaman na nabubuhay sa mga karagatan. At ang pangangailangan na pangalagaan at proteksyonan ito laban sa polusyon, pangaabuso at pagkasira para sa kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon ng salinlahi. (denr ncr/pia-ncr)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch