No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Clean-up activity, isinagawa ng DENR Ilocos

SAN FERNANDO CITY, La Union (PIA) – Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region I ang pagdiriwang ng Philippine Environment Month sa pamamagitan ng simultaneous cleanup activity dito sa siyudad noong ika-5 ng Hunyo

Ang buong buwang selebrasyon na may temang “No to Waste: Advancing Circular Economy” ay may layuning bigyang diin ang panawagan para sa #BeatPlasticPollution alinsunod na rin sa kampanya para sa selebrasyon ng World Environment Day noong Hunyo.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Atty. Crizaldy M. Barcelo, regional director ng DENR Region 1, ang publiko kabilang ang mga kabataan upang makiisa sa pagpapahalaga sa kalikasan.

Ayon kay Atty. Crizaldy M. Barcelo, regional director ng DENR Region 1, ang naturang aktibidad ay isang solusyon upang matuldukan ang suliranin sa polusyong dulot ng paggamit ng plastics at tuluyang maresolba ang iba pang mga isyung pangkapaligiran.


Hinikayat din nito  ang publiko magpapatuloy ang pagpapahalaga  sa kalikasan kahit hindi selebrasyon ng Environment Month.


“We encourage you na i-elevate ang ating environment throughout the year to demonstrate our consciousness of how to protect, conserve appropriately, manage our environment and natural resources not only for our present generation but for our future generation,” ani Barcelo.


Samantala, nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang regional line agencies kabilang ang PIA Region 1.


Umabot sa 1,377 kilo ang nakuhang nabubulok at hindi nabubulokbasura ng mga ahensyang dumalo sa clean-up drive.


Marami sa mga basurang nakukuha ay food wrapper, plastic wrapper, styrofoam, plastic straw, mga bote, at mga gamit nang face mask.

Nakiisa ang regional line agencies kabilang ang PIA Region 1 sa simultaneous Clean-up Activity na pinangunahan ng DENR Region 1 sa San Fernando City, La Union noong ika-5 ng Hunyo bilang bahagi ng pagdiriwang sa Philippine Environment Month.

Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 237, s. 1988, ipinagdiriwang ang Philippine Environment Month upang maitaas ang kamalayan ng mga Pilipino para sa   sama-samang pagkilos upang protektahan, pangalagaan, at paunlarin ang kapaligiran at likas na yaman ng bansa. (JCR/MJTAB/KJCR, PIA La Union)

About the Author

Kathlene Joyce Ramones

Writer

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch