No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Fish sanctuaries sa OrMin, isasailalim sa ebalwasyon para sa Search for Outstanding MPAs

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Sasailalim ang dalawang fish sanctuaries sa lalawigan sa masusing site evaluation at balidasyon na isasagawa ng Marine Protected Area (MPA) Support Network para maging kalahok sa ginagawang pagpapahalaga sa mga MPA kaugnay sa gaganaping pambansang patimpalak ngayong taon.

Ang Ranzo Fish Sanctuary sa Pinamalayan at Maasin Fish Sanctuary sa Bulalacao ay dalawa lamang sa 40 MPAs sa lalawigan na may magagandang katangian at pinamamahalaanan ng maayos ng mga lokal na pamahalaan.

Sakaling palarin na pumasa sa ebalwasyon at balidasyon bilang MPA sa lalawigan, kakatawan ang mga ito sa Search for Outstanding MPAs in the Philippines na nakatakdang ganapin ngayong darating na buwan ng Oktubre 2023.

Ang MPA ay isang seksyon ng karagatan kung saan ang pamahalaan ay naglagay ng mga limitasyon sa aktibidad ng tao. Maraming MPA ang nagpapahintulot sa mga tao na gamitin ang lugar sa mga paraan na hindi nakakasira sa kapaligiran. (DN/PIA Mimaropa-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch