No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Number coding, suspendido sa Hunyo 28

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding sa darating na Miyerkules, Hunyo 28, 2023.

Ayon sa MMDA, ang suspensyon ng number coding sa naturang araw ay bunsod ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, isang regular holiday, sa bisa ng Proclamation No. 258, s. 2023 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin.

Payo ng MMDA sa mga motorist na planuhin ang biyahe, patuloy na sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch