No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

NTC-CAR, muling nagpaalala ukol sa SIM registration deadline

BAGUIO CITY (PIA) -- Muling nagpaalala ang National Telecommunications Commission - Cordillera (NTC-CAR) ukol sa itinakdang deadline ng SIM registration sa July 25, 2023.

Binigyang-diin ni NTC-CAR Legal Officer Atty. Lilibeth Cosi na sa ilalim ng SIM Registration Act, kailangang irehistro ng lahat ng end users ang kanilang SIM upang hindi ito ma-deactivate.

Nilinaw naman nito na limitado lamang ang limang araw na inilaan para sa request for reactivation, para sa mga deactivated ang SIM pagkatapos ng deadline.

"After the five days provided by the law for you to request for reactivation, automatic deactivation na 'yan. So ang mangyayari, 'yung SIM na hawak mo, you can no longer use that in connecting to people, in calling or in texting," paliwanag ni Cosi.

"If you want to preserve and maintain your phone number now, i-register ni'yo po," giit ni Cosi.

Dagdag pa nito, ang mga bagong SIM na ibebenta ay deactivated kung saan, kinakailangang irehistro muna ito ng end user bago niya magamit.

NTC-CAR Legal Officer Atty. Lilibeth Cosi during the Kapihan sa Baguio on June 26, 2023. (PIA-CAR)

Aniya, bukas naman ang kanilang tanggapan para sa mga nais magpatulong para sa SIM registration. Kailangan lamang magpakita ng valid government-issued ID.
 
As of June 22, 2023, umaabot na sa 100, 263, 627 ang SIM na nairehistro o katumbas nito ang 59.67% registered SIM sa bansa. Mula sa naturang bilang, 6, 935, 559 ang nairehistro sa DITO, 45, 959, 017 sa Globe, at 47, 369, 051 sa Smart.
 
Ang SIM registration ay makakatulong upang mabawasan ang mga text scams at iba pang ilegal na gawain ng mga cyber criminals, ayon sa DICT. (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch