No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Basic Drone Handling Training, isinagawa ng DENR NCR

LUNGSOD QUEZON (PIA) –Sa pangunguna ng Manila Bay Site Coordinating/Management Office, nagsagawa ang Department of Environment & Natural Resources National Capital Region ng Basic Drone Handling Training noong  Hunyo 21 sa Quezon Memorial Circle Park, Quezon City.

Ang training ay kinapapalooban ng magkasamang lecture-discussion at aktwal na paggamit ng drone sa pangangasiwa ni Manila Bay Survey Team Head Engr. Patrick Macazo.

May 40 kawani mula sa iba’t ibang dibisyon at tanggapan ng DENR NCR ang lumahok sa pagsasanay.

Ang Basic Drone Handling Training ay naglalayong makapagbigay ng pangunahing kaalaaman tungkol sa paggamit ng drone technology na malimit na gamitin sa iba't ibang monitoring and surveying services ng tanggapan.

Ginagamit din ng DENR NCR ang drone technology sa paghahanda ng mga mapa ng lupa at mga plano sa survey (kasabay ng mga survey na nakabatay sa lupa), reconnaissance at surveillance, dokumentasyon ng video at larawan, at mga layunin ng edukasyon patungkol sa kapaligiran.

Gumagamit din ang DENR NCR ng mga drone upang i-map at tukuyin ang mga legal na easement sa mga daluyan ng tubig ng Metro Manila.

Ang mga mapa na ginagawa ay nagsisilbing gabay sa paglikha ng mga desisyon sa mga patakaran at mga intervention ng DENR NCR kaugnay sa patuloy na paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay. (denr-ncr/pia-ncr)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch