No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ibat- ibang aktibidad ng Environment Month inaasahang makakatulong sa lahat

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - Inaasahang malaki ang impact ng mga special programs na naisagawa sa kakatapos na selebrasyon ng Environment Month kagaya ng Caravan Cum People's Day kaisa ang limang provincial offices ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Mahigit isang libong indibidwal mula sa ibat-ibang probinsya ang nakiisa sa hangaring maging kabahagi ng mga nakalinyang programa para sa kalikasan na tugon naman para mapangalagaan ang kalikasan.

Maging mga bikers ay naging bahagi din ng Environment Month sa pamamagitan ng Bike, Hike, Plant. Maliban sa environment at health-friendly ang pagbibisikleta, malaking ambag din sa kalikasan ang kanilang ginawang pagtatanim. (DENR photo)

Ayon kay Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan, sa lawak ng kalikasan at sa dami ng programang pangkalikasan ay hindi kakayanin ng DENR lamang kung kaya't patuloy ang kanilang panawagan sa lahat na maging kabahagi sila sa mga programang ipinapatupad ng kagawaran.

Isa sa mga makabuluhang programa sa nasabing caravan ay ang  "Handog Titulo" program kung saan mahigit 396 ang nabigyan ng  libreng titulo mula sa apat na probinsya. Maliban dito, ipinagkaloob naman sa mga patentees ang libreng sketch plan para sa mga taga probinsya ng Nueva Vizcaya

Nakiisa rin ang  Isabela State University (ISU) at nangakong susuportahan ang  National Greening Program (NGP) ng ahensya sa pamamagitan ng paglagda ng isang memorandum of agreement.

Panawagan ni RED Gwendolyn Bambalan na lahat sana ay maging kabahagi sa pangangalaga sa kalikasan.

Sinabi rin ni Bambalan na ngayon ay mas maayos at pinadali o higit na accessible na ang pagkuha ng mga dokumeto  sa pamamagitan ng one-stop-service sa ilalim ng Electronic Frontline Application, pattent application at libreng surveys para sa mga  hindi pa rehistradomang  lupain.

Samantala, base sa resulta ng mga isinasagawang law enforcement monitoring ay patuloy na bumababa ang kaso ng timber poaching sa rehiyon dahil sa pakikipagtulungan ng taong bayan.

Dagdag din niya ang panawagang hintuan na ang paggamit ng glyphosphate sa mga kabundukang tinatamnan ng mais dahil isa itong nakikitang dahilan ng mga pagguho ng lupa. Bagamat pinapatay nito ang damo ay nagiging buhaghag naman ang lupa sanhi ng mabilisang pagguho pag may malalakas na pag-ulan.

Panawag din ng DENR na maging kabahagi sa mga malawakang pagtatanim bilang ambassador natin sa kalikasan. (GVB with reports from Mary Joy Javier/AB COM)


BATA, BATA, MAY MAGAGAWA KA. Sa murang edad ay mainam na maikintal sa kanilang isipan ang kahalagahan ng pagtatanim at pangangalaga sa kalikasan.

About the Author

Gene Baquiran

Writer

Region 2

I am simply amazing.

Feedback / Comment

Get in touch