No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kauna-unahang ‘Sayaw para sa Kalikasan’ tampok sa pagtatapos ng Environment Month

CABARROGUIS, Quirino (PIA) - - Isinagawa ang kaunaunahang “Sayaw para sa Kalikasan” at Native Tree Identification ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) bilang tampok sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Environment Month.

Ang mga patimpalak na ginanap sa Forestry 101, Capitol Hills, Cabarroguis ay nilahukan ng mga mamamayang Quirinian kabilang ang mga kawani ng gobyerno, estudyante, at iba pa.

Sa mensahe ni OIC PNRE Officer Estrella Pasion, kanyang hinimok ang mga kailyan na makiisa sa laban kontra plastic pollution - sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng mga single-use plastics. (Photo courtesy: PLGU Quirino)

Ayon kay OIC Provincial Natural Resources and Environment Officer Estrella Pasion, layon ng mga patimpalak na lalo pang mapalawak ang kamalayan ng mga Quirinian patungkol sa pangangalaga sa kagubatan at ng kalikasan.

Nilahukan ng walong grupo ang Sayaw para sa Kalikasan at tinanghal na nanalo ang mga sumusunod:  Unang pwesto - Flexy Angels; Pangalawang pwesto- - Libera Dance Troupe at Pangatlong pwesto- Eco-Lution Movers.

Tumanggap ng limanlibo, tatlong libo at dalawang libo ang mga nanalo at consolation prize na tig isanglibong piso naman para sa iba pang mga kalahok.

Ang People’s choice award na may premyong dalawang libong piso ay ia-anunsyo sa July 7 pagkatapos ng isang linggong botohan sa pamamagitan ng Quirino province official facebook page.

Para naman sa Native Tree identification na nilahukan ng anim na indibidwal, nanalo Kevin Mariano-unang pwesto; Roxann Delos Santos-ikalawang pwesto Alex Dacmay-ikatlong pwesto

Tumanggap ang first place ng limanlibong piso, tatlong libo para sa ikalawang pwesto at dalawang libo para sa ikatlong pwesto. Tumanggap din ng P500.00 consolation prize ang iba pang kalahok.

Una na nang isinagawa ang tree planting activity noong ika-22 at 23 ng Hunyo, kung saan umabot sa mahigit apat na libong native tree ang naitanim ng iba't ibang ahensya sa national at lokal na antas. (TCB/PIA Quirino)

About the Author

Thelma Bicarme

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch