No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

80 residente ng Quirino, tumanggap ng libreng titulo mula sa DENR

CABARROGUIS, Quirino (PIA) - - Tumanggap ng libreng titulo ang 80 residente ng Cabarroguis at Maddela sa ilalim ng programang Handog Titulo ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o DENR.

Ang paggawad ng titulo ay isinagawa bilang bahagi ng kauna-unahang DENR Caravan Cum People’s Day sa lalawigan kamakailan.

Ayon kay Provincial Natural Resources Officer Mariam T. Malana, ang paggawad ng libreng titulo ay nakasaad sa RA 10023, ang batas na nagbibigay pahintulot sa mamamayang Pilipino na makapag-apply ng titulo sa isang residential na lupa upang legal na maging pag-aari.

Sa kanyang parte, pinayuhan ni Atty. Brenda Lynn Afalla ang mga benepisyaryo ng handog titulo program na huwag ibenta ang mga natanggap na titulo upang may maipamana pa sa kanilang mga anak.

Samantala, pinayuhan ni Atty. Brenda Lynn Afalla ang mga tumanggap ng titulo na alagaan nilang mabuti ang kanilang titulo dahil ito ang katibayan ng pag aari ng isang lupa na maaaring ipamana sa susunod na salinlahi ng nagmamay-ari.

Aniya, maaari itong isangla ngunit huwag sana tong ibenta upang may maipamana sa kanilang mga anak.

Labis naman ang pasasalamat ng mga tumanggap ng libreng titulo, dahil malaking  tulong ito sa kanila at masasabi na nilang sa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.

Nagpasalamat din si Gobernador Dakila Carlo E. Cua sa libreng titulo at sa lahat ng mga tulong ng DENR sa mga mamamayang Quirinian.

Siniguro rin ng gobernador ang tuluy-tuloy na ugnayan ng DENR at pamahalaang panlalawigan para sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan para sa mga mamamayan.

Ang Handog Titulo ay bahagi ng DENR-CARP kung saan isinasagawa ng DENR ang distribution ng alienable and disposable public lands, Survey of A & D Public Lands. (OTB/TCB/PIA Quirino)

About the Author

Thelma Bicarme

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch