No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

90K kilong recyclables nakolekta ng MMDA

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Halos 90,000 kilo ng mga recyclables ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula Enero hanggang Hunyo 27 ngayong taon.

Ang mga nakolektang recyclables ay sa pamamagitan ng Mobile Materials Recovery Facility (MMRF) “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” Project ng MMDA.

Higit P300,000 naman ang halaga ng mga grocery items na naipamahagi sa mga nag-ipon at nagpapalit ng kanilang recyclables.

Sa ilalim ng proyekto, may katumbas na puntos ang mga malinis na recyclables gaya ng PET bottles, papel, at mga lata na maaaring ipalit sa mga basic goods gaya ng asukal, mantika, at de lata.

Ang MMRF ay isa sa waste management initiatives sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 kung saan kabahagi ang MMDA na may layuning mabawasan ang pagbaha sa Kamaynilaan. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch