No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Back-to-school shoe bazaar, bukas na sa Marikina

Pinangunahan ni Marikina City Vice Mayor Marion Andres ang pagbubukas Back-to-School/Palarong Pambansa Shoe Bazaar nitong Lunes, July 17. Matatagpuan ang shoe bazaar sa unang palapag ng Multi-Level Parking Building, Brgy. Sta. Elena kalapit ng Marikina City Hall. Tatagal ang bazaar hanggang Agosto 27, 2023. (Mga kuha mula sa Marikina PIO)

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita sa mga mag-aaral! Binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang Back-to-School/Palarong Pambansa Shoe Bazaar.

Pinangunahan ni Marikina City Vice Mayor Marion Andres at mga konsehal ng lungsod ang pagpapasinaya ng bazaar. Dumalo din ang mga kinatawan mula sa Philippine Footwear Federation Inc. sa pangunguna ni G. Tony Andres. Sr., mga kinatawan mula sa lokal na industriya ng sapatos, at mga pinuno ng piling tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Sa bazaar na ito, nakabibili ng mga de-kalidad at abot-kayang Marikina-made genuine footwear products mula sa 46 participating brands mula sa tinaguriang 'Shoe Capital' ng bansa. 

Bukas ang shoe bazaar araw-araw, mula 9:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, Lunes hanggang Huwebes, at mula 9:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi tuwing Biyernes hanggang Linggo.

Matatagpuan ang shoe bazaar sa unang palapag ng Multi-Level Parking Building, Brgy. Sta. Elena kalapit ng Marikina City Hall. Tatagal ang bazaar hanggang Agosto 27, 2023.

Ang proyekto ay magkatuwang na itinataguyod ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro at Philippine Footwear Federation, Inc. (PFFI). (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch