No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ibong kalahi ng Agila, isinauli sa DENR Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Hulyo 13 (PIA) – Isang ibong Oriental Honey Buzzard na kalahi ng Agila ang isinauli ng isang concerned citizen sa Department of National Resources Office (DENR).

Si Enesterio Delos Santos, 34 taong gulang mula sa Barangay Luklukan Sur ng bayan ng Jose Panganiban ang nag turn-over ng naturang ibon sa DENR. 

Ayon kay Delos Santos, isang hindi kilalang tao ang nagbenta ng nasabing ibon. Anya, agad niya itong binili upang maibigay sa kinauukulan. Agaran nya itong dinala  kay Kagawad Teresa Andaya Bravo ng naturang barangay.

Ang ibong Oriental Honey Buzzard na kalahi ng Agila ang isinauli ni Enesterio Delos Santos (right) sa DENR kasama si Konsehal Artemio C. Andaya Jr. (left), committee chairman on environment protection ng Sangguniang Bayan (SB). (PIA5/ Camarines Norte/ larawan mula sa tanggapan ng PIO Jose Panganiban)

Nakipag-ugnayan naman si Konsehal Artemio C. Andaya Jr., committee chairman on environment protection ng Sangguniang Bayan (SB) sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) upang mai-turn over sa DENR ang nasabing ibon.

Agad tinungo ng mga kinatawan ng DENR ang ibon upang kunin at isailalim ito sa kanilang pangangalaga bago pakawalan sa kagubatan.

Nagpasalamat naman sina Mayor Ariel M. Non at MENRO Engr. Raymund Carranceja sa pagmamalasakit na ipinakita ni Delos Santos. Nakatakda syang anyayahan sa pamahalaang bayan para sa pormal na pagkilala sa kanyang ginawa.

Ipinaalala rin ng MENRO sa publiko na kung may makakakita o makakakuha ng mga kakaiba o nanganganib na uri ng mga ibon o hayop ay agad itong ipagbigay alam o isurender sa kinauukulan.  (PIA5/Camarines Norte/ ulat mula sa tanggapan ng PIO Jose Panganiban)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch