No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 1K MMDA traffic enforcers, ide-deploy sa SONA

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Bilang paghahanda sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 24, magtatalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kanilang mga kawani.

Ayon kay MMDA Chair Atty. Don Artes, nasa 1,354 kawani na may iba't ibang tungkulin sa SONA ang ide-deploy, kabilang dito ang pamamahala sa trapiko, pagsasagawa ng road at sidewalk clearing operations, tutulong sa pagkontrol ng tao, pagmomonitor ng trapiko, tutugon sa kalamidad, at iba pang emergency.

Samantala, magpapatupad naman ng zipper lane o counterflow sa may southbound portion ng Commonwealth Avenue para bigyang daan ang mga sasakyan ng gobyerno at bisita na tutungo sa Batasan Complex.

Abiso ng MMDA sa mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta dahil sa inaasahang magiging mabagal na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa Lunes. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch