No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PSA, ipinagdiwang ang anibersaryo kasama ang mga PWD

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) –  Isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro ang information dissemination at gift-giving activity sa 21 kasapi ng Persons with Disability (PWD) ng Barangay Bayanan 2 sa lungsod na ito bilang bahagi ng kanilang ika-10 anibersaryong selebrasyon na may temang "PSA@10 Providing Quality Service through Digital Transformation".

Pinamunuan ni barangay PWD Vice President Mario Malaluan, Jr., ang grupo ng may kapansanan upang maging maayos ang daloy ng aktibidad na ginanap sa barangay hall na sinuportahan ng Punong Barangay na si Ma. Virginia Garcia.

Unang ibinahagi sa nasabing aktibidad ang mga serbisyo at impormasyon na ipinagkakaloob ng PSA tulad ng kahalagahan ng pagkakaroon ng PhilSys o National Identification Card na kung saan maaaring gamitin sa lahat ng transaksyon ng pamahalaan o mga pribadong tanggapan, gayundin ang PhilSys Check para malaman kung tunay ang ID na ipiniprisinta.

Ibinahagi ng mga kawani ng Philippine Statistics Authority (PSA) Oriental Mindoro ang mga serbisyo ng kanilang tanggapan gayundin ang pamamahagi ng food packs sa mga kasapi ng may kapansanan o Persons with Disability (PWD) ng Barangay Bayanan 2 sa lungsod ng Calapan kamakailan. (Larawan kuha ng Samahan ng mga may kapansanan ng Brgy. Bayanan 2)

Sinabi ni Malaluan na sakaling mayroong kasapi na may kapansanan ang hindi makakapunta sa tanggapan ng PSA para kumuha ng PhilSys ID ay sabihin lamang at malugod nilang pupuntahan ang miyembro para maasistihan ang pagsasaayos ng national ID.

Matapos magbahagi ng mga serbisyo ay nagkaloob din ng food packs sa mga miyembro at nagpasalamat sa mga dumalo upang lubos na maging ganap ang selebrasyon ng kanilang anibersaryo ng pagkakatatag. (DN/PIA MIMAROPA - Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch